YANGON (AFP) – Nagtipon ang mga regional minister kahapon upang talakayin ang kapalaran ng Rohingya Muslim minority ng Myanmar sa malupit na security crackdown na binabatikos ng mga katabing bansa.

Mahigit 27,000 Rohingya na ang tumakas sa hilagang kanluran ng Myanmar patungong Bangladesh simula noong Nobyembre dahil sa counterinsurgency campaign ng army. Inilarawan ng Rohingya survivors ang mga panggagahasa, pamamaslang, panununog na dinanas sa kamay ng security forces – na ikinaalarma ng mundo at nagbunsod ng mga protesta sa mga lungsod sa Southeast Asia.

Ang kaganapang ito ay nagdulot ng bangayan sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Sinabi ng Malaysia na ang emergency meeting sa Yangon ay resulta ng tumitinding pressure sa Myanmar para resolbahin ang krisis.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national