PARIS (AFP) – May 57 mamamahayag ang pinaslang sa buong mundo ngayong 2016 habang ginagawa ang kanilang trabaho, sinabi ng Reporters Without Borders nitong Linggo.

Ayon sa press freedom group, 19 ang pinatay sa Syria lamang, sinusundan ng 10 sa Afghanistan, siyam sa Mexico at lima sa Iraq. Halos lahat ng mga pinatay ay mga lokal na mamamahayag.

Kahit na mas mababa ito kaysa 67 na pinaslang noong 2015, sinabi ng grupo na ang pagbaba ay dahil sa maraming mamamahayag ang tumakas sa mga bansa na nagiging lubhang mapanganib gaya ng Syria, Iraq, Libya, Yemen, Afghanistan at Burundi.

Ayon dito, ang pag-alis ng reporters sa magugulong bansa ay lumikha ng ‘’news and information black holes where impunity reigns’’.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina