Ni MERLINA HERNANDO-MALIPOT

Kung ganap nang maipatutupad, magiging libre na ang matrikula sa lahat ng state universities and colleges (SUCs) sa bansa sa susunod na taon.

Kasunod ng realignment ng budget ng Commission on Higher Education (CHED) para sa 2017 na kinabibilangan ng karagdagang P8.3 bilyon, buong lugod na tinanggap kahapon ng nag-iisang party-list para sa kabataan ang tuition-free policy sa lahat ng SUCs.

Sa isang pahayag, sinabi ng Kabataan Party-list na marapat lang na maging masaya ang kabataang Pilipino sa “mighty development” na ito. Dahil dito, anila, makahihilera na ng Pilipinas ang mauunlad na bansa sa mundo, gaya ng Norway, Sweden, Finland at Germany “when it comes to providing for free tuition in state schools.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa isang panayam sa telebisyon nitong Biyernes, kinumpirma ni CHED Chairperson Patricia Licuanan na nadagdagan ng P8.3 bilyon ang budget ng komisyon sa susunod na taon.

PAHIRAPAN

“That’s purely for tuition, to purely remove tuition from the student expenses so now we can say all SUCs will not charge tuition,” ani Licuanan, at inaming tiyak na magiging pahirapan ang pagpapatupad ng polisiya.

“Logistically it will be a little difficult,” sabi ni Licuanan, sinabing kailangan ng CHED ng wastong formula upang matukoy kung paano hahatiin ang mahigit P8 bilyon sa 113 SUC sa bansa.

GAME-CHANGER

“This simple yet game-changing move has shattered the illusion cast by naysayers and conservatives who have long sought division and spread cowardice by saying that this is not possible,” papuri naman ng Kabataan Party-list sa bagong polisiya ng komisyon.

Hangad na saklawin ng P8.3 bilyon para sa 2017 national budget ang matrikula ng mahigit 1.4 milyong estudyante ng SUCs sa bansa.

Ang libreng matrikula sa mga SUC, ayon sa party-list, ay isang “game-changer and a step in the right direction for SUCs.”

KAAGAD IPATUPAD

Kasabay nito, naninindigan ang Kabataan na hindi dapat na matapos na lang sa paglalaan ng budget ang pagtiyak na maipatutupad ng libreng matrikular sa lahat ng SUCs, iginiit na mahalagang paghandaan na ito sa ngayon ng kinauukulan upang matiyak na kaagad itong maipatutupad.

“Immediately, student regents and student trustees in all SUC boards of regents and trustees need to immediately prepare for the implementation of a tuition-free policy,” anang party-list.

“We must do everything in our power to have it implemented quickly and with a positive effect on students and the SUC community,” anang Kabataan Party-list.