Umaapela si House Speaker Pantaleon Alvarez sa Korte Suprema na alisin na ang temporary restraining order (TRO) na ipinataw noong nakaraang taon kaugnay ng implementasyon ng Reproductive Health Law at pagpasyahan na ito nang pinal.

Una nang hiniling ng opposition bloc sa Kamara, sa pangunguna ni Albay Rep. Edcel Lagman, sa Korte Suprema, na bawiin na ang TRO sa pagpapatupad ng RH Law.

“Tama yun. Kahit ako, I’m appealing (too),” sabi ni Alvarez. “Hindi ako ‘yung sasabihin ko makialam tayo, kasi may separation of powers. I’m appealing na sana madesisyunan na ‘yun upang sa ganun ay mai-implement na natin ‘yung RH Law, kasi kailangang talaga ng bansa.” (Bert de Guzman)

Pelikula

'Beauty Contis' magkasama na sa Hanoi