Patay ang isang traffic police na luminya sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos pumalag sa Oplan Tokhang ng Quezon City Police District (QCPD) sa Pasong Tamo, Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni QCPD Director Police chief Supt. Guilor Lorenzo T. Eleazar ang nasawing parak na si SPO1 Herbert Lumabi, 44, nakatalaga sa Traffic Sector 1 ng Quezon City Police District-Traffic Enforcement Unit (QCPD-TEU).

Sa report ni Police Supt. Danilo G. Mendoza, hepe ng Talipapa Police-Station 3, dakong 3:50 ng hapon kamakalawa ikinasa ang operasyon sa No. 134 Panopio Street, Nawasa Area, 5 Luzon Avenue, Pasong Tamo, Quezon City.

Nang magpositibong nasa bahay si Lumabi, agad ikinasa ng Station Anti-Illegal Drug- Special Operation Task Group (SAID- SOTG) ang buy-bust operation kung saan nakipagtransaksiyon ang poseur-buyer ng awtoridad.

National

Malacañang, iginiit na ‘di surveys batayan ng ‘effective public service’

Makalipas ang ilang sandali, nakatunog si Lumabi na kapwa niya pulis ang kanyang katransaksiyon kaya agad itong bumunot ng baril ngunit siya’y inunahan na ng mga awtoridad at saka duguang humandusay.

Nakuha sa lugar ang isang caliber .45 pistol, mga bala at isang pakete ng shabu. (JUN FABON)