Ni Robert R. Requintina
Totoo ang kasabihang “it’s the thought that counts”. Pero sa feng shui, may mga regalong itinuturing na suwerte at malas, lalo na tuwing Pasko.
Sinabi ni Master Hanz Cua na ang mga regalong pangunahing dapat na iwasan kapag Pasko ay ang mga walang laman na wallet, briefcase o purse.
“It lacks prosperity. When you give a wallet, you put money inside. As much as possible the amount should end in number 8. Like P168, P188, P1,888 so on and so forth, so that the recipient will have wealth luck,” sinabi ni Cua sa isang eksklusibong panayam.
Dapat din umanong iwasan ang mga regalong patalim, gunting at iba pang matutulis na bagay. “It signifies closing of a relationship.”
Isa pang dapat iwasan ang bonsai tree dahil isinisimbolo nito ang “slow growth”.
“It’s luckier if you will give healthy plants with rounded leaves for long life and prosperity,” ani Cua.
Hindi rin magandang matanggap ngayong Pasko ang relo, orasan o anumang nagpapakita ng oras dahil “it symbolizes stealing time”, at dapat ding iwasan ang mga halamang matinik, panyo, sapatos at ang mga damit na may print ng bungo, kalansay, baril at iba pang simbolo ng karahasan at kamatayan.
MGA REGALONG PAMPASUWERTE
Inilunsad kamakailan ang bago niyang librong “Master Hanz Cua Feng Shui 2017”, inisa-isa rin ni Cua ang mga masasabi namang suwerteng panregalo ngayong Pasko.
Para sa mga single na babae at lalaki, pinakamagandang Christmas gift ang underwear, ayon kay Cua.
“Red underwear for men and pink undies for women signify wonderful relationship. When you give it to them, you hope and pray that they will finally have a relationship,” paliwanag niya.
Upang maiwasan naman ang mga third party sa relasyon, bigyan ang iyong kaibigan ng crystal amethyst, aniya. “Then tell your female friend to tie it with a red thread and attach it on the foot part area of the bed where her partner sleeps.”
Masuwerteng panregalo rin ang mga may imahe ng dragon at money cat.
Mainam naman kung ireregalo sa mga bata ang mga laruang may kinalaman sa propesyon, gaya ng engineers, nurses, doctors, chefs, at iba pa.
Para sa mabuting kalusugan, iminungkahi ni Cua ang pagreregalo ng asin, insenso o air freshner.