“BLOCKBUSTER ito, sure na” ang reaction na narinig namin sa mga katoto nang mapanood ang trailer ng Seklusyon, ang nag-iisang horror movie na kasali sa 2016 Metro Manila Film Festival mula sa direksiyon ni Erik Matti.
Bukod kasi sa comedy ay horror films ang malakas kumita kapag MMFF. Word of mouth na lang ang humihila ng tao kapag maganda ang drama at epic films.
Considered indie film ang Seklusyon movie nina Ronnie Alonte, Jon Vic de Guzman, J.R. Versales, Phoebe Walker, Dominic Roque at Rhed Bustamante pero marami ang nagtataka dahil hindi ito low-budgetted movie tulad ng ibang pelikulang kahanay nito sa filmfest.
Kaya sa grand presscon ng Seklusyon nitong Biyernes ng umaga, tinanong si Direk Erik kung magkano ang production cost ng pelikula nila.
“This film, we produced this independently. We usually co-produce with other companies, we’re co-producing with Viva the Anne Curtis movie and were co-producing with Star Cinema for our other movies. But with this one, this is solely produced by Reality Entertainment, wala kaming ibang players na ‘pinasok, walang ibang studio na pumasok together with us. And when we produced this film, we weren’t thinking of submitting it to Metro Manila Film Festival.
“Originally, we have a different playdate and then, nu’ng nakita namin ‘yung line-up sa playdate and then we’re launching new actors, we realized maybe to be tough to find cinemas, mahirap maghanap ng sine kapag wala silang malaking artista na ilalagay, so we decided to join the Metro Manila Film Fest.
“Regarding the budget, without promo and marketing, we produced this film for P18M and then plus-plus,” paliwanag ng direktor.
Muling binigyang-diin ni Direk Erik na hindi ginamitan ng CGI o computer-generated images ang Seklusyon.
“Ako ang favorite kong mga horror na pelikula, wala talagang CG, walang computer effects kasi mas nararamdaman mo.
Di ba kapag nakakita ka ng monster na CG, parang nawawala ka sa realidad na eksena.
“Okay lang siya kung adventure na movie or action, pero for a horror na through and through na intimate, parang gusto mo talagang maramdaman ang horror.
“Ang horror, wala kaming one kill every fifteen minutes, ‘yan ang uso na horror na parang Final Destination. Hindi ganu’n na may isang papatayin, next scene may papatayin then next may papatayin na naman.
“And there’s some psychological parts in the movie, pero ‘yung horror niya talaga is nakakatakot, may gulat, may creepy, may tayong balahibo,” kuwento ni Direk Erik.
Hayan, nagbigay na ng tips si Direk Erik kaya iyong mga nagbabalak manood, yakagin na ang buong barkada para in case may mangyari ay may kasama ka.
Samantala, ang Seklusyon ay nagkaroon ng world premiere sa Macau International Film Fesrival and Awards kamakailan at aminado ang direktor na iba ang inihain nila roon kumpara sa mapapanood simula sa Disyembre 25 dahil may mga eksenang pinutol para umabot sila sa target audience nila. (Reggee Bonoan)