Ni Angie Oredo

Muling nakaharang sa daanan sa asam na back-to-back MVP ni Grethcel Soltones ang St. Benilde.

Matapos na pigilan ang San Sebastian sa hangad na tatlong sunod na korona, nakaamba din ang College of St. Benilde team captain na si Jeanette Panaga na dismayahin ang kampanya ng sandigan ng Lady Stags na si Grethcel Soltones para sa ikatlong sunod na MVP sa NCAA Season 92 women’s volleyball.

Bitbit ng defending champion CSB ang 5-1 panalo-talong karta sa likuran ng hindi pa nadudungisan na SSC (6-0), bagaman nangunguna si Panaga kontra kay Soltones sa scoring at pati na sa lahat sa blocking.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Tangan ni Panaga ang kabuuang 102 puntos mula sa itinala nitong 68 spikes, 17 kill blocks at 17 aces, nasa likuran nito si Soltones na may 97 puntos at ikatlo si Francesca Racraquin ng San Beda na may 96.

Ipinamalas ng Season 91 Finals MVP kung bakit ito naging two-time best blocker matapos manguna muli sa blocking department na may average na 0.68 per set. Kasunod nito sa Lourdes Clemente ng Perpetul Help sa 10 blocks at 0.59 per set si Precious Sedenio ng Mapua na may 11 block at 0.50 per set.

Nangunguna naman si Soltones kontra kay Panaga sa kills na may 43.90 porsiyento kumpara sa 41.46% ng huli.

Nanguna si Cherry Rose Genova ng Lyceum sa service habang ang setter ng San Beda na si Vira Guillema ng namumuno sa setting department.

Hawak ni Marjo Medalla ng UPH ang unang puweto sa Best Digger habang ang nakaraang taon na best digger na si Alyssa ng una sa Best Receiver.

Ipagpapatuloy ang aksiyon sa NCAA single-round robin elimination round sa Enero 4.