Kapwa nakuha nina Filipino boxer Aston Palicte at Mexican American Oscar Cantu ang timbang sa super flyweight division kaya tuloy ang kanilang laban sa araw na ito sa “Knockout at the D” card na tampok ng Roy Jones Boxing Promotions sa D La Vegas Hotel Casino, Downtown Las Vegas Events Center sa Nevada.

Eksaktong 115 pounds ang timbang ni Palicte samantalang si Cantu na umakyat mula sa flyweight division ay mas magaang sa 113.4 pounds kaya wala nang hadlang sa kanilang sagupaan para sa bakanteng WBA-NABA, WBO Inter-Continental at NABF super flyweight titles.

Ipalalabas nang live ng CBS Sports Network sa buong North America ang sagupaan nina Palicte at Cantu na ang magwawagi ay inaasahang mapapalaban sa world title bout sa susunod na laban.

Kasalukuyang WBO Oriental at IBF Pan Pacific super flyweight champion si Palicte na nakalistang IBF No. 11 at WBO No. 15 sa super flyweight division samantalang si Cantu na nakabase ngayon sa Kingsville, Texas ay nakatala bilang No. 4 contender sa WBC flyweight division.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May record ang tubong Bago City, Negros Occidental na si Palicte na 21-2-0 win-loss-draw na may 18 pagwawagi sa knockouts samantalang isa lamang ang panalo sa knockout sa perpektong 14 wins ni Cantu. - Gilbert Espeña