ian-copy-copy

INAMIN ni Bea Alonzo na noong una ay medyo naaasiwa at nahihiya siyang makipagbiruan kay Ian Veneracion, ang leading man niya sa A Love to Last.

“No’ng una, alam ko na mukha siyang matalinong tao, para siyang mahiyain,” sabi ni Bea nang humarap sila sa presscon para sa serye nila.

“Nagkamali ako pero hindi pala, masarap siyang kakuwentuhan. Para kasi siyang mahiyain sa umpisa.

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

“Kasi nu’ng storycon, eh, du’n kami unang nagkita, parang hindi siya masyadong nagsasalita, tahimik lang siya. Kay Iza (Calzado) lang siya komportable, so bakit pa ako nakikisali sa kulitan nila.

“But eventually, nakita ko na, alam mo ‘yun, madaling makakonekta. Parang may connection agad, hindi mo kailangang ipilit pa. Kumbaga, ganu’n ang friendship, hindi pinipilit, so parang ganu’n kami,” kuwento ni Bea.

Dagdag pa niya, si Ian ang isa sa mga dahilan kaya ginaganahan siyang pumunta ng set nila. “Kasi, in every project, eh, naghahanap ako ng bagay na something to look forward to, whenever I go to work. Kaya masasabi ko na ‘yung katrabaho ko, eh, isa du’n ngayon.

“I look forward to working with them, to seeing them, to begin kuwento uli sa kanila,” banggit pa rin ng magaling na aktres. Ikinagulat ni Bea ang first impression naman sa kanya ni Ian Veneracion. Binanggit kasi ni Ian na ‘typical spoiled brat’ si Bea. Dagdag pa ni Ian, pa-feeling superstar si Bea at lahat daw ay ginagawa siyang parang reyna.

“Hindi naman talaga ako ganu’n. Grabe, hindi ko akalain na merong mga tao na ganu’n ang tingin sa akin. Ngayon lang ako nakarinig ng ganu’n. Baka si ‘Papa I’ (tawag ni Bea kay Ian) lang’yun,” sey ng aktres. Pero masaya si Bea na na nakikilala na niya nang husto si Ian Veneracion habang ginagawa nila ang A Love To Last.

“I’m so happy that we got along with each other. I’m still getting to know him. Naging masaya naman ako sa lahat ng nalalaman ko tungkol sa kanya.

“Mukha siyang parang hindi echosero. Alam ko na matalino siyang tao, alam ko na he’s a good actor, he takes this very seriously. So akala ko, seryoso siyang tao, hindi pala,” napatawang banggit pa rin ni Bea. (JIMI ESCALA)