Matapos makansela dahil sa mga kontrobersiya, tuloy na tuloy na ang Miss Universe fashion show sa SMX Davao Convention Center sa Enero 19, 2017.

Ayon kay Tourism Undersecretary Kat de Castro, napagdesisyunan ng mga opisyal ng Department of Tourism (DoT) na ituloy ang naturang fashion show sa Davao City matapos mag-usap-usap ang mga tourism official, mga Davao designer, at mga kinatawan ng veteran designer na si Renee Salud hinggil sa isyu.

Aniya, nagkasundo ang mga ito na ang mga Davao designer na ang magdidisenyo ng mga damit ng 20 kandidata habang si Salud naman ang magdidisenyo ng mga damit ng 20 iba pang kandidata.

Matatandaang una nang kinansela ng DoT ang naturang event matapos batikusin ng Davao Fashion and Design Council (DFDC) ang pagpili ng Miss Universe hosting committee kay Salud bilang designer.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Ayon kay De Castro, nais lamang nilang umiwas sa gulo kaya nagdesisyon silang kanselahin ito. (Mary Ann Santiago)