KAPANALIG, kadalasan, kapag usapang armed conflict sa Mindanao ang tinatalakay, ang nabibilang lamang sa una ay ang mga direktang naapektuhan ng engkuwentro.

Hindi natin agad napapansin na maraming tao pa ang nasasaktan at naaapektuhan ng armed conflict. At ang epekto nito ay long-term: Tuluyang binabago ng armed conflict ang buhay ng maraming pamilya, na umaabot pa sa susunod na henerasyon.

Ang karahasan sa Mindanao, kahit pabugsu-bugso, ay nagdudulot ng ibayong kahirapan. Sa ngayon, ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay nananatiling pinakamahirap na rehiyon sa ating bansa. Ito ay batay sa 2015 National Household Targeting System for Poverty Reduction ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon pa sa survey, 11 porsiyento ng 5.1 milyong mahihirap ay nasa Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon sa Displacement Dashboard ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNCHR), ang forced displacement ay isa sa mga matinding hamon na kinakaharap ng lumolobong populasyon sa Mindanao. Dahil sa iba’t ibang uri ng “conflict” o gulo, bukod pa ang mga natural disaster, umaabot sa 407,397 katao ang sapilitang lumikas noong 20l5.

At, 37,000 katao sa mga ito ay ilang beses nang lumikas. Hanggang ngayon, wala pa ring pangmatagalang solusyon sa isyung ito.

Ang isyung ito ay nagdudulot ng sanga-sangang problema. Una, hirap ang mga bata. Natitigil sila sa kanilang pag-aaral at nagiging sanhi ng trauma ang mga karahasang kanilang nararanasan at nakikita. Pagdating naman sa mga relocation site, sila naman ay dumaranas ng pang-aabuso. Hirap sa kasalukuyan, wala pang kasiguraduhan ang kinabukasan.

Ang kanilang mga magulang naman ay nawawalan ng hanapbuhay. Ang bugsu-bugsong putukan ay nagtutulak sa marami na iwan ang mga sakahan at iba pang kabuhayan. Kaya ‘di kataka-taka ang paglawig ng kahirapan sa mga lugar kung saan laging may engkuwentro.

Lahat tayo ay may karapatang mamuhay nang malaya at mapayapa. Ito ang pangunahing kaganapan sa ating pagkatao.

Nawa’y hindi lamang ceasefire ang ating matamo. Nawa’y tunay na kapayapaan ang ating iregalo sa kanila ngayong Pasko.

Ang Confronting a Culture of Violence: A Catholic Framework for Action ng U.S. Catholic Bishops ay may hamon ukol sa isyung ito: Lahat tayo ay may obligasyong tumugon! Ang karahasan—sa ating tahanan, sa paaralan, sa lansangan, sa ating bansa at sa buong mundo—ay sumisira sa buhay, dignidad at pag-asa ng bawat tao.

Sumainyo ang katotohanan. (Fr. Anton Pascual)