CINCINNATI (AP) — Pumanaw na ang surgeon na lumikha ng life-saving Heimlich maneuver para sa choking victims nitong Sabado ng umaga sa Cincinnati. Si Dr. Henry Heimlich ay 96 taon.

Ayon sa kanyang anak na si Phil, namatay siya sa Christ Hospital matapos atakehin sa puso nitong linggo.

Si Henry Heimlich ay director ng surgery sa Jewish Hospital sa Cincinnati noong 1974 nang maisip niya ang lunas sa mga pasyenteng nabubulunan at naging bukambibig ito sa mga tahanan. Ginamit ang maneuver ng public health authorities, airlines at restaurant associations, na nagpabantog kay Heimlich.

“I know the maneuver saves lives, and I want it to be used and remembered,” aniya sa AP.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina