FILE - In this April 12, 2016, file photo, Amber Heard attends the LA Premiere of

MAY panibago na namang sigalot sa lalo pang gumugulong divorce proceedings ng dating mag-asawang sina Amber Heard at Johnny Depp.

Ayon sa mga dokumento mula sa korte na nakuha ng People, nagsampa si Heard ng Request for Order sa Los Angeles Superior Court noong Miyerkules, para siguraduhin na babayaran ni Depp ang aktres ng natitirang bahagi ng $7 million na kanilang divorce settlement.

Sinasabi ng abogado ni Heard na napaglagpas ni Depp ang deadline na itinakda ng korte kasama ang stalling payments at ang paghahati ng kanilang mga personal na ari-arian, shipping belongings mula sa pribadong isla ng aktor sa Bahamas, paglilipat ng Range Rover sa pangalan ni Heard, at ang mga utang ni Depp mula sa mga sasakyan, at Neil Lane jewelry at stylist fees. Hiniling din ni Heard na mabayaran nang buo ang $35,435 na legal fees.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Lumabas ang balita hinggil sa isinampang request ni Heard halos tatlong linggo pagkaraang sabihin ng isang source sa People na naayos na ng dating mag-asawa ang kanilang diborsiyo.

Inaasahang tatanggap si Heard ng $6.8 million – na natitira sa $7 million na napagkasunduan ng dating mag-asawa, hindi pa kasama ang ipinagkaloob ni Depp sa napiling charities ni Heard na American Civil Liberties Union at Children’s Hospital Los Angeles.

Pumayag si Depp na bayaran ang settlement sa susunod na 12 buwan, at inaasahang maibibigay ni Heard ang pera sa mga charity sa pagtatapos ng 2018. - Yahoo Celebrity