Kung totoong legal ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga, walang dapat ikatakot ang administrasyon sa imbestigasyong isasagawa ng United Nations (UN) kaugnay ng kaliwa’t kanang pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa droga.

Ito ang ipinunto ni Senator Leila de Lima matapos malamang kanselado ang pagpunta sa Pilipinas ni UN Special Rapporteur on Extrajudicial Killings Agnes Callamard, makaraang hindi pumayag ang huli sa public debate na pangunahing kondisyon ng Presidente.

“The President would often repeat that we should have no fear if we do nothing wrong. The same can be said to him. If indeed his so-called ‘war on drugs’ is pursued within the bounds of the law and international standards, then his administration should have nothing to be afraid of,” ani De Lima. “As they often say, an innocent man has nothing to hide.”

Binatikos din ng mga opposition solon ang pagkakaunsyami ng imbestigasyon ng UN sa mga hinihinalang extrajudicial killing sa bansa.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“This shows that Malacañang is not taking human rights policies seriously, and this is alarming. Many people are killed, even as high as 30 dying every day. That is a cause for concern,” sabi ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin, miyembro ng “Magnificent Seven” sa Kamara.

“These conditions are not only restrictive. It is also threatening. The objective of Duterte is to lambast and embarrass UN Rapporteur,” segunda ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano.

Sa isang panayam sa telebisyon sa France, sinabi ni Callamard na nakadepende sa gobyerno ng Pilipinas kung matutuloy pa ang pagpunta niya sa bansa sa susunod na taon, ngunit iginiit niyang ang pakikipagdebate kay Duterte ay labag sa code of conduct para sa mga gaya niyang special rapporteur. (Hannah Torregoza, Ellson Quismorio at Roy Mabasa)