Gumawa ang Vatican ng espesyal na email address sa iba’t ibang lengguwahe kung saan maaaring ipadala ng mga mananampalataya sa iba’t ibang dako ng mundo ng mga mensahe ng pagbati para sa ika-80 kaarawan ni Pope Francis ngayong araw.
Itinataguyod din ng Vatican ang kaarawan ng Holy Father sa social media, at hinihikayat ang users na ikabit sa kanilang accounts ang hashtag: #Pontifex80.
Maaaring ipadala ang inyong mensahe kay Pope Francis sa mga sumusunod na email address, depende sa ginagamit na wika:
Latin: [email protected]; Italian: [email protected]; Spanish/Portuguese:
[email protected]; English: [email protected]; French: [email protected]; German:
[email protected]; Polish: [email protected].
Ayon sa Vatican, sisimulan ni Pope Francis ang espesyal na araw niya sa pag-aalay ng misa dakong 7:00 ng umaga sa Pauline Chapel ng Apostolic Palace kasama ang mga cardinal sa Rome. Makikipagpulong din siya sa ilang lider.
Isinilang na Jorge Mario Bergoglio noong Disyembre 17, 1936 sa Flores, isang barrio sa Buenos Aires, Argentina, panganay siya sa limang anak nina Mario Jose Bergoglio, isang Italian immigrant, at Regina Maria Sivori. Nahalal siyang ika-266 na papa sa conclave noong Marso 13, 2013. (Christina I. Hermoso)