Inaasahang mas mapapalawak ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagnanais na magkaroon ng siyentipiko at mas organisadong paghahanda sa mga pambansang atleta sa nakatakdang pakikipagtulugan ng Russia sa Philippine Sports Institute (PSI).

Sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na nakatakda pirmahan ang isang Memorandum of Understanding sa pagitan ng ahensiya at bansang Russia para sa pagtulong ng huli sa ninanais ng bansa na mapataas ang kalidad ng mga atleta.

“There was a proposition from our friend in Russia to help us with the creation of our own institute because they (Russia) have one in St. Petersberg and another one at Moscow. We talk with the good ambassador and they are very willing to help us that is why medyo nausog ang launching natin ng PIS dahil gusto nila maipakita muna sa atin kung ano ang kanilang mga development doon,” sabi ni Ramirez.

Nakatakda naman magtungo si Ramirez kasama mismo ang pangulo ng bansa na si Rodrigo Duterte upang makita ang pasilidad sa sports kasama sina PSI national training director Marc Velasco at Executive Assistant to the Chairman Ronnel Abrenica.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“They will work with the PSI and possibly we will go there with the President in March to see what could we added to our institute,” sabi pa ni Ramirez kung saan nakausap pa nito ang Russian ambassador sa tinutuluyan nito mismo sa Cambridge Residences sa Taguig.

Una nang nakipag-usap sina Ramirez sa Korea Institute of Sports Science (KISS) hinggil sa posibleng pagbisita rin sa pasilidad at makakuha ng mga dagdag na impormasyon sa pangangalaga sa mga atleta sa tanging sports institute na accredited sa UNESCO.

“We already had a core group that will go to South Korea to learn and maybe add more on how to manage the PSI,” aniya.

“We will also revived the MOA with Australia which also had a good reputation on their institute.” (Angie Oredo)