Pinayagan ng Sandiganbayan First Division si dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na mabisita ng kanyang may sakit na ama sa ospital kahapon.

Sa isang resolusyon, sinabi ng anti-graft court na bilang “humanitarian considerations” ay pinapahintulutan si Revilla na mabisita ang kanyang ama sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Nasa intensive care unit (ICU) ng ospital si Ramon Sr. dahil sa severe sepsis second to pneumonia.

Tsika at Intriga

'If sayaw dahil fiesta, sayaw lang!' Boom Labrusca, tinira mga 'naghuhubad' sa pista

Dahil sa lumalalang kondisyon ng ama, iniurong ni Revilla ang naunang kahilingan na makapiling sa Pasko (Disyembre 24 at 25) ang kanyang pamilya sa Cavite, at sa halip ay makapunta sa ospital sa Disyembre 14, 15 o 16. Tinanggap ng korte ang withdrawal ni Revilla at pinayagan itong mabisita ang ama sa Disyembre 16.

Nahaharap si Revilla sa kasong graft at plunder kaugnay sa maling paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF). Kasalukuyan siyang nakadetine sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

(Czarina Nicole O. Ong)