PASKUNG-PASKO ang atmosphere pagpasok pa lamang sa Studio 7 ng GMA Network, Inc. Annex para sa kanilang #PaskongKapuso2016 sa entertainment press. Marami sa mga kasamahan namin ang dumalo in their best party outfit para sa Best Dressed award na may kaukulang prize. 

Umaapaw ang pagkain, may traditional na puto bumbong at balot/penoy pa dahil Simbang Gabi na nga, bumaha ang beer, at may red wine rin. 

Si GMA Network Chairman/CEO Felipe L. Gozon ang nagpasalamat sa suporta ng press hindi lamang ngayong taon kundi maging noon pa man.

Ipinahayag din niya na ang GMA-7 na ang nangunguna sa ratings war, at suportado ito ng viewership survey data provider na AGB Nielsen.

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

Ang pinakamagandang balita, mas malaki ang kita nila ngayong taon. Kaya naman hindi sila nagkait na i-share ang blessings na ito sa entertainment press sa pamamagitan ng #PaskongKapuso2016 at sa raffle ng cash at gifts mula sa kanilang mga artista.

Umabot sa kalahating milyong piso ang ipina-raffle ng Kapuso Network nang gabing iyon. 

May masusuwerteng doble ang napanalunan, sa minor prizes at sa major prizes, dahil ibinalik ang kanilang names. Sabi nga, ‘walang umuwing luhaan” dahil nakatanggap ng regalo ang lahat ng dumalo. 

Hosted by Chynna Ortaleza-Cipriano at Nar Cabiga, nagkaroon din ng ilang song and dance numbers at may artists silang tumulong sa raffle at program proper. 

Ipinakita rin ang 2017 first quarter Telebabad omnibus plug na ipinakita nang buo sa 24 Oras kagabi at mapapanood ito sa iba’t ibang programa ng GMA-7.

In return, thankful ang lahat ng mga nakisaya sa #PaskongKapuso2016 hindi lamang sa prizes na natanggap kundi lalo na ang warm welcome sa kanila ng top executives ng network at ng kanilang corporate communications group. 

Salamat at wish namin for a more successful 2017. (NORA CALDERON)