Malalim na saksak sa dibdib ang tinamo ng isang isang lalaki matapos umanong magdilim ang paningin ng kanyang kaanak na nabitin sa almusal na kanin sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Kasalukuyang ginagamot sa Gat Andres Memorial Medical Center ang biktimang si Rowel Manzanero, 21, makaraang saksakin ni Joeber Caber, 27.

Sa ulat ni Police Supt. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD)- Station 1, dakong 8:15 ng umaga, nag-aalmusal sina Rowel at Joeber sa kanilang tahanan sa Happyland sa Tondo, sakop ng Barangay 105, nang magtalo dahil sa kakaunting kanin.

Ayon kay SPO4 Adonis Sugui, sa kasagsagan ng pagtatalo ay bigla na lang kumuha ng patalim ang suspek at tinarakan ang biktima sa dibdib bago tumakas.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Agad isinugod ni Loreta Zarana, madrasta ni Rowel, sa nasabing ospital ang biktima. (Mary Ann Santiago)