Masisilayan ng mundo ang mayamang kultura ng Pilipinas, partikular ang mga tela na gawa ng mga katutubo sa Mindanao, sa 65th Miss Universe pageant.

Ito ang tiniyak ni Department of Tourism (DoT) Undersecretary Kat de Castro sa gitna ng mga kontrobersiya na kinakaharap ng ahensiya kaugnay sa nakanselang Miss Universe fashion show sa Davao City.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ni De Castro na ipanunukala niya sa organizers na itampok pa rin sa Miss Universe pageant ang mga telang hinabi ng mga katutubong Mindanaon.

Bilang pinuno ng ancillary events para sa upcoming Miss Universe pageant, nagpasya si De Castro kamakailan na kanselahin ang fashion show ng Miss Universe candidates tampok ang mga katutubong kasuotan sa Mindanao. Ito ay matapos magreklamo ang isang grupo ng mga designer sa Davao City na naitsa-puwera sila sa paggawa ng mga gown.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iginiit ni De Castro, na nais din ng ahensiya na maipamalas ang mayamang kultura ng mga Pilipino bukod sa magagandang lugar sa Pilipinas.

“To avoid controversy and spare our visitors from unnecessary intrigue that doesn’t serve the interest of the greater good, we’ve decided to cancel the fashion show in Davao City. We, at DoT, are concerned in promoting our dollar-earning tourism industry and not anyone’s personal interest,” paglilinaw ni De Castro. (CHARINA CLARISSE L. ECHALUCE)