ALEPPO, Syria (AFP Reuter) – Libu-libong sibilyan at rebelde ang inilikas sa Aleppo nitong Huwebes sa ilalim ng evacuation deal na nagpapahintulot sa rehimen ng Syria na pamahalaan ang buong lungsod matapos ang ilang taong digmaan.

Umiyak ang kababaihan nang dumaan ang unang bus sa lugar na hawak ng gobyerno, ang ilan ay nagwagayway ng watawat ng Syria. "God save us from this crisis, and from the (militants). They brought us only destruction," sabi ng isang babae.

Sa video message sa Syrians, sinabi ni President Bashar al-Assad na ang "liberation" ng Aleppo ay "history in the making".

Nagbabala si US Secretary of State John Kerry na libu-libong sibilyan ang naiipit pa rin sa Aleppo at kailangan ng aksyon upang maiwasan ang mala- Srebrenica na masaker.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tatlong convoy ng bus at ambulansiya ang umalis sa Aleppo dala ang mga sugatang sibilyan, mandirigma at kanilang mga pamilya.

"Some 3,000 civilians and more than 40 wounded, including children, were brought out," sabi ni Marianne Gasser, pinuno ng International Committee for the Red Cross (ICRC) sa Syria, matapos umalis ang unang dalawang convoy.

"No one knows how many people are left in the east, and the evacuation could take days," dagdag niya.

Sinabi ni UN envoy Staffan de Mistura sa mga mamahayag sa Paris noong Huwebes na tinatayang 50,000 ang hindi pa rin nakakalikas.

Mahigit 310,000 katao na ang namatay simula nang sumiklab ang digmaan sa Syria noong 2011. Mahigit kalahati ng populasyon ang nawalan ng tirahan, at milyun-milyon ang naging refugees.