Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang babaeng prison guard at kasama niyang driver makaraan silang maaktuhan umano sa pagbebenta ng shabu sa Tacloban City, Leyte.

Kinilala ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang inaresto na si Ronelda Calamayan y Calinyao, 52, prison guard ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Basey, Samar; at driver nitong si Teddy Magpili y Morano, 44, kapwa taga- Barangay 83-C, Taguiktik, Tacloban City.

Ayon sa ulat, dakong 7:30 ng gabi nitong Huwebes nang madakip sina Calamayan at Magpili sa entrapment operation, at makumpiskahan ng 28 plastic sachet ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P24,000. (Jun Fabon)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito