HANDANG-HANDA na at excited na ang buong cast ng Ang Babae sa Septik Tank 2: Forever is Not Enough sa Metro Manila Film Festival 2016 lalo na’t mas malaki at mas malawak ang sequel ng pelikula ni Eugene Domingo.

Pero may nagtanong kung hindi ba natatakot si Uge sa usap-usapan na baka hindi maging successful ang 2016 MMFF dahil walang malalaking artistang kasama.

“Wala, hindi kami napi-pressure, eh, kasi we’re just very proud of the films and they have eight films to choose from,” sagot ni Uge. “We’re really not competing. Lahat kami, we support each other’s film. At saka, nakakatuwa rin na napalabas na nang una sina Boss Vic (del Rosario) saka kina Vice (Ganda). Parang lahat masaya naman, eh.”

Nabanggit din ni Uge na sana ay huwag na lang magsiraan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Gusto ko lang sabihin na let’s not destroy each other, let’s not ruin each other’s creativity. Everybody has the right to express their art in any way. Let’s support each other. Come on, we should be proud kasi meron tayong pelikula.

 “Ang ibang bansa, wala nang pelikula, nanonood na lang sa Internet. Pero tayo, may sine pa rin at buhay na buhay.

Come on, people, let’s support each other,” paliwanag ng aktres.

At dahil may record naman na ang Septic Tank, hinuhulaan na isa ito sa magiging blockbuster sa MMFF.

“Sana po, sana po, gusto po namin ‘yun. Sana, sana talaga. And kasama din du’n na sana talaga panoorin nila lahat.

‘Yun lang naman ‘yun. I cried, not only because na’sama ‘yung Septic Tank but also for myself. ‘Di ba, I was out for almost two years, I did not expect it so much.

“This is really a gift. For an actress na gagawa ng pelikula ‘tapos gustung-gusto n’ya ‘tapos parang ang ganda ng pagtanggap, this is overwhelming and for me, being here again is really the second time sweetest, di ba? This is the sweetest time for me,” pagtatapat ni Uge.

Kaya pumila na sa mga sinehan simula sa Disyembre 25 sa Ang Babae sa Septic Tank 2 mula sa direksyon ni Marlon Rivera. Kasama ni Uge sina Jericho Rosales, Kean Cipriano, Cai Cortez, Khalil Ramos at Joel Torre hatid ng Quantum Films, MJM Production, Tuko Film Productions, Inc. at Buchi Boy Entertainment. (Reggee Bonoan)