Halos 40 stall ang nasunog sa isang palengke sa likod ng Rosario Municipal Hall sa bayan ng General Trias sa Cavite, nitong Huwebes ng gabi.

Dakong 9:33 ng gabi nang naitala ang alarma, habang bandang 12:34 ng umaga na idineklarang fire out ang sunog, na umabot sa Task Force Alpha.

Sa imbestigasyon ng Cavite-Bureau of Fire Protection (BFP), problemang electrical ang nakikitang sanhi ng sunog, na tumupok sa aabot sa P15 milyon halaga ng ari-arian.

Walang namatay o nasugatan sa sunog. (Beth Camia)

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon