rp-team-copy

PH Team, wagi ng isang ginto, 2 silver at 10 bronze sa 9th BIMP-EAGA.

SAMARINDA, Indonesia – Malupit ang paghihiganti ng Davao City basketball team.

Kinumpleto ng Davaoneos, kinatawan ng Holy Cross of Davao Crusaders, ang dominanteng kampanya nang pabagsakin ang South Sulawesi, 109-63, para sa gintong medalya sa 9th BIMP-EAGA (Brunei, Indonesia, Malaysia, Philippines-East Asian Growth Area) Friendship Games sa Samarinda, East Kalimantan, Indonesia.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Tumapos ang Philippine Team ng isang ginto, apat na silver at 10 bronze medal sa torneo.

Hinagupit ng focus area Davao City ang mga karibal sa elimination at tuluyang dinomina ang kampanya sa finals ng torneo na isinasagawa tuwing dalawang taon bilang pagpapatibay sa relasyon at pagkakaisa ng mga bansa na nasa East Asian region.

Naiganti ng Davao ang kabiguang natamo sa Sabah, Malaysia sa nakalipas na edisyon sa Labuan, Malaysia at nagawa nila ito sa impresibong sweep.

Sa pangangasiwa ni City Mayor’s Office officer-in-charge Mikey Aportadera, ang basketball team ay binubuo nina Joshua Aguilon, Harry Dumagan, Mark Brian Francisco, Kennith John Gudes, Bernard Gutierrez II, James Clarn Linares, Lean Vincent Martel, Harold John Nebria, Jhayston Oquias, Loid Prince Unson,Joromeo Yap, Christian Gonzales, Michael Jay Gonzaga at Christian Ivan San Diego.

“It’s a productive campaign and we commend the athletes for the job well done. I will recommend them to their respective national sports association to be included in the training pool,” pahayag ni PSC Commissioner at head of delegation Charles Maxey.

Napagwagihan naman ng tambalan nina Rex Paller ng Jose Maria College at Jan Ashley Jacob ng University of Mindanao ang bronze medal sa men’s volleyball matapos gapiin ang South Sulawesi, 21-17, 21-16.

Si Abet Bernan, coach ng Davao na nagwagi ng ginto sa naturang torneo may dalawang taon na ang nakalilipas, ang nangansiwang muli sa koponan.

Nagdagdag ng dalawang bronze medal ang Davao sepak takraw team na binubuo nin Paul Abenojar, Bryan Borras, Jayrix Fel Cabero, Jundy Puton, Dominic James Sagosoy, Nomar Sencio at Alion Ypon.

Ang focus area ng Puerto Princesa, Palawan, ay nagwagi naman ng apat na silver medal mula kina Diana Mae Memoracion sa 1,500 meter, ang 4x-400 meter relay na binuo nina Joanna Marie Agudo, maemeoracion, Suzette Jimawan at Jollymae Gabaisen, gayundin ang men’s 4x400 remay team nina Jezreel Meder, Fritz Lantaco, Brielyn Briz at Agustin Anciano.

Nagwagi rin ng silver medal sina Kween Marie Claire Sa Wang at Samantha Nicole Dizon sa women’s beach volleyball.

Tumapos naman na bronze medalist sina Irish Marquez (javelin throw at discuss throw), Memoracion (3,000 meter run), Joana Marie Agudo (400m), Sailormon Arnaiz (men’s discuss throw), John Ashley Jacob at Rex Paller (beach volleyball), Irish Queen Molina at Macy Ann Salvado (badminton women’s double) at sepak takraw regu.