Mga Laro Ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Talk ‘N Text vs Phoenix

7 n.g. -- Ginebra vs Mahindra

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Makapantay sa ikalawang posisyon kasama ang Blackwater ang pag-uunahan ng Talk ‘N Text at Phoenix sa kanilang pagtutuos sa unang laro ngayong hapon ng nakatakdang double header sa OPPO-PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta ColIseum.

Kasalukuyang nasa five-way tie sa ikatlong posisyon ang dalawanmg koponan kasalo ng Alaska, Meralco, at Star Hotshots na may magkakaparis na patas na barahang 2-2, isang panalo ang pagkakaiwan sa nagsosolong ikalawang puwesto na Elite na may taglay na barahang 3-2.

Nakatakda ang sagupaan ng Katropa at Fuel Masters ganap na 4:15 ng hapon na susundan ng tampok na salpukan sa pagitan ng crowd favorite Barangay Ginebra at Mahindra ganap na 7:00 ng gabi.

Kapwa galing sa kabiguan sa nakaraan nilang laban ang dalawang koponan, ang Talk ‘N Text sa kamay ng Meralco Bolts at ang Phoenix na nadurog sa kamay ng Star Hotshots kung kaya inaasahang kapwa gigil ang magkabilang panig na makabalik sa winning track.

Sa huling laro, magtatangka naman ang Kings na bumangon mula sa natamong ikalawang kabiguan sa kanilang ikatlong laban sa kamay ng Globalport noong Disyembre 11 kontra sa Floodbusters na hangad naming makabasag sa winner’s circle matapos ang naunang apat na sunod na kabiguan.

“Hopefully, we can learn from our mistake. Yung mga ganitong klaseng laro ang puwede pa naming maranasan sa mga future game namin,” pahayag ni Kings point guard LA Tenorio matapos ang natamong kabiguan sa kamay ng Batang Pier.

Sa panig naman ng Floodbusters, umaasa si coach Chris Gavina na maagang makakapag-adjust ang bagong recruit na si Jeric Teng upang mapunan nito ang naiwang puwang ng na-injured naming si Gary David na tinatayang isang buwang mawawala dahil sa natamong minor meniscus tear sa kaliwa nitong tuhod.

“If he does need surgery, he will be out for at least four weeks,” ani Gavina patungkol kay David.

“Jeric showed a lot these past few days of what he's capable of,” wika pa ni Gavina tungkol naman kay Teng. “He showed today that he's capable of being a great defender, and once he gets his game legs and his rhythm shots going, I think he'll be fine.” (Marivic Awitan)