SUMAKABILANG-BUHAY ang aktor na si Alan Thicke dahil sa atake sa puso nitong Martes, ayon sa ulat ng TMZ. Ngunit bakit nga ba may nakaliligtas sa atake sa puso, at ang iba naman ay hindi?
Nangyayari ang atake sa puso kapag may bumabara sa ugat na dinaluyan ng dugo sa heart muscle, dahil dito, lubhang mangangailangan ng oxygen ang muscle tissue, na nagdudulot ng pinsala. Nakikipaglaro si Thicke, 69-anyos, sa kanyang anak na lalaki ng ice hockey nang atakihin siya sa puso noong Martes. Idineklarang patay ang Growing Pains star nang idating sa ospital.
“For a heart attack to quickly lead to death, the damage to the heart needs to be great enough to cause the heart to beat irregularly and eventually stop entirely,” saad ni Dr. Suzanne Steinbaum, preventive cardiologist sa Lenox Hill Hospital sa New York City. Hindi kasama si Steinbaum sa kaso ni Thicke.
“The irregular heartbeats that result from the lack of oxygen start from the bottom of the heart, and aren’t strong enough to generate blood flow,”sabi ni Steinbaum sa Live Science. Kapag nangyari ito, “the heart becomes very agitated,” aniya.
“The heartbeat becomes more of a quiver than a decisive pump, which is also called fibrillation, and blood stops flowing,”ani Steinbaum. Maaari itong humantong kaagad sa pagtigil sa pagtibok ng puso.
Gayunpaman, hindi lahat ng atake sa puso ay humahantong sa kamatayan.
Posible rin na hindi umabot ang pinsala ng heart muscle sa pagkakaroon ng irregular heartbeat ng puso, ani Steinbaum.
At maaari ring mamatay ang isang tao mula sa atake sa puso na hindi nakararanas ng irregular heartbeat – maaaring malubha na ang pinsala sa heart muscle mula sa kakulangan sa oxygen, na hindi na kayang magbomba ang puso ng sapat na dugo, na hahantong sa kamatayan, aniya
Sa mga kaso ng agarang pagkamatay ilang saglit matapos ang atake sa puso, mayroon malaking nakabara na nakapipinsala sa heart muscle, dagdag ni Steinbaum.
Hindi pa malinaw kung ano ang mga naging sintomas at factors sa sitwasyon ni Thicke, kung mayroon man, bago siya inatake sa puso. Ngunit maaaring atakihin sa puso ang isang tao kahit wala itong ipinapakitang sintomas, ani Steinbaum.
Madalas kapag nangyayari ito, ang atake sa puso ay resulta ng napinsalang artery ng tao, saad ni Steinbaum.
“Plaques are buildups of cholesterol and inflammatory cells that form along the wall of a blood vessel, partially blocking it. If a plaque ruptures, the body sends platelets to fix the rupture, which leads to more blockage that eventually cuts off blood flow to the heart,” aniya.
Posible na humantong ang pag-eeherisisyo, na nagiging dahilan sa pagtaas ng heart rate at blood pressure ng tao, sa ruptured plague.
Bagamat hindi ibig sabihin nito ay hindi na dapat mag-ehersisyo ang mga tao. Kundi, “Consult with your doctor before starting an exercise program,” aniya. Kapag nag-ehersisyo ang isang tao, tumataas ang oxygen na kinakailangan ng katawan. At kung may nakabara sa mga artery, mahihirapan itong makakuha ng sapat na oxygen. Ito ay maaaring magdulot ng atake sa puso.
Inihayag ni Steinbaum na kayang maiwasan ang sakit sa puso ng 80 porsiyento. Nag-uugat ang atake sa puso sa mga risk factor tulad ng mataas na blood pressure, mataas na cholesterol at hindi aktibong pamumuhay, aniya. Malaking bagay din ang ating edad. Para sa kalalakihan, tumataas ang panganib sa pagkakaron ng atake sa puso kapag tumuntong na sa 55 taong gulang. (Live Science)