BAGUIO CITY - May kabuuang P150,000 ang inilaang pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para mapabilis ang pagtukoy at pagdakip sa walang awang pumaslang sa 16-anyos na estudyante sa lungsod na ito, noong Martes.

Inihayag ni Mayor Mauricio Domogan nitong Miyerkules na naglaan ang city government ng P100,000 pabuya sa sinumang makatutulong upang mapabilis ang paglutas sa pagpatay kay Kenneth Velasco, Grade 10 sa Pines City National High School at taga-Sunnyside Fairview.

Naglaan din ng karagdagang P50,000 ang Guardians Reform Advocacy for Cooperation and Economic Prosperity, Inc. (GRACE-Guardian), sa paniwalang malaki ang maitutulong ng reward para mabilis na maresolba ang kaso.

Matatandaang papasok sa eskuwelahan si Velasco nang holdapin siya sa alley sa Naguilian Road at pagsasaksakin ng 36 na beses para matangay ang kanyang cell phone at P200 baon. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?