CALASIAO, Pangasinan - Patay na ang isang ama nang matagpuan siya ng kanyang pamilya matapos siyang magbigti gamit ang alambre ng sampayan sa Barangay Buenlag sa bayang ito.
Sa nakalap na impormasyon mula sa rescue team ng Calasiao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), nangingitim na ang walang buhay na si Rafael Veloria, 40, nang abutan ng rescue team nitong Martes ng tanghali.
Sinasabing labis na dinibdib ni Veloria ang pag-alis ng kanyang panganay na si Rizza Veloria, 20, upang makipagtanan sa nobyo nito. (Liezle Basa Iñigo)