miss-world-philippines-catriona-gray-1-1-copy-copy

MAPAPANOOD ang Miss World 2016 pageant sa GMA-7 sa December 19 simula alas-8 ng umaga via delayed telecast.

Magiging kinatawan ng Pilipinas si Catriona Gray na kasalukuyang umaani ng mga papuri sa competition.

Nakapasok ang ating bet sa Top 10 sa Talent Competition at top contender sa Beauty with a Purpose prize. Nagiging paborito rin siya ng maraming pageant sites sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Trending

Mathematical discovery ng guro sa Quezon, isa nga bang malaking kalokohan?

Isa sa magiging host sa grand coronation night ngayong taon sa Washington D.C., U.S.A. ang Kapuso at unang Miss World ng Pilipinas na si Megan Lynne Young.

Huwag palalampasin ang telecast ng Miss World 2016 sa Lunes, Disyembre 19 (8AM), sa GMA-7.

FIRST QUARTER 2017 SHOWS

Samantala, ipasisilip ang first quarter 2017 shows ng GMA sa 24 Oras ngayong Biyernes.

Tuluy-tuloy ang paghahatid ng sorpresa ng GMA Network sa kanilang loyal viewers at ngayong gabi ay mapapanood na sa wakas ang pinakaaabangang mga bagong programa ng Kapuso Network sa pamamagitan ng 2017 first quarter Telebabad omnibus plug sa 24 Oras.

Sa excited na at hindi na makapaghintay, alamin kung anu-ano ang mga bagong show na ihahain ng GMA sa pagpasok ng Bagong Taon at kung sinu-sino ang bibida sa mga soap operang ito.

CHRISTMAS SPECIAL

May maagang regalo sa kanilang Christmas Special ang GMA Network.

Maraming pasabog ang dapat abangan sa Christmas special ng GMA Network na pinamagatang The Magic of Christmas.

Siguradong mabubusog ang loyal Kapuso viewers sa kaabang-abang na song and dance numbers ng kanilang mga idolo.

May mga sorpresa rin ang Kapuso Network na hindi dapat palampasin. Ano kaya ang mga ito? Abangan sa The Magic of Christmas TV special sa SNBO ng GMA ngayong Linggo.