OAKLAND, California (AP) – Mula sa pagiging 'underpaid', mapapabilang si Stephen Curry sa listahan ng mga pro player na tatanggap ng kontrata na nagkakahalaga ng US$200 millyon.

Higit pa rito ang posibleng makuha ng two-time NBA Most Valuable Player kung mananatili siya sa Golden State Warriors batay sa bagong NBA collective bargaining agreement.

Ayon sa isang opisyal na may kinalaman sa usapin, ngunit tumanging pabangit ang pangalan sa panayam nina Marc Stein at Brian Windhorst ng ESPN, si Curry ang isa sa mabibiyayaan sa veteran player provision nang napagkasunduang labor deal kung saan inaasahang triple ang makukuh niyang suweldo mula sa kasalukuyang tinatanggap na US$12 milyon.

Nasa huling taon na ang kontratang nilagdaan ni Curry sa Warriors at magiging isang ganap na unrestricted free agent ang three-point champion sa susunod na season.

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

Pinangunahan ni Curry ang Warriors sa magkasunod na NBA Finals at kauna-unahang kampeonato sa nakalipas na 60 taon at ang kanyang katayuan sa Golden State ay inaasahang magbibigay sa kanya ng pinakamalaking kontrata sa kasaysayan ng NBA – US$207 milyon sa loob ng limang taon at may US$47 milyon pay out para sa final season (2021-22).

Batay sa bagong kasunduan, tatanggapin ng 35 porsiyentong pagtaas sa sahod ang tatanggapin ng high-tier player na mananatili sa kanyang koponan.