TARLAC CITY - Isang lesbian ang inaresto at nahaharap ngayon sa kasong rape matapos niya umanong abusuhin ang isang 18-anyos na dalaga sa Block 2, Barangay Dalayap sa lungsod na ito, Miyerkules ng hapon.

Sa ulat kay Tarlac City Police Chief, Supt. Bayani Razalan, 18-anyos na babaeng taga-Bgy. Aguso ang hinalay ni “Cathy”, 26, dalaga, ng Block 2, Bgy. Dalayap, Tarlac City.

Nauna rito, inimbita ang biktima ng kanyang kaibigan para bisitahin ang suspek hanggang sa mag-inuman sila at malasing ang dalaga.

Nagpapahinga ang dalaga sa kuwarto nang pasukin umano siya ng suspek at halayin. (Leandro Alborote)

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos