Inabsuwelto ng Sandiganbayan Second Division si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at dalawang iba pa kaugnay ng mga kasong graft at reckless imprudence sa pagkasunog ng Kentex factory na ikinamatay ng 74 na empleyado.

Sa resolusyon na may petsang Disyembre 13, ipinahayag nina Second Division Associate Justices Michael Musngi, Samuel Martires at Geraldine Faith Econg na bigo ang korte na makatukoy ng probable cause para maaresto sina Gatchalian, Business Permits and Licensing Office (BPLO) officer-in-charge Renchi May Padayao, at licensing officer Eduardo Carreon, dahilan upang ipag-utos nilang i-dismiss ang kani-kanilang kaso.

Mayo 13, 2015 nang matupok ang Kentex at inakusahan ang alkalde ng kapabayaan sa pagpapalabas ng mga business permit sa pabrika sa kabila ng hindi ligtas ang establisimyento at kawalan ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) nito. (Czarina Nicole O. Ong)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente