katrina-halili-1-copy-copy

AABOT ng seven months ang airing ng Afternoon Prime series ng GMA-7 na Sa Piling ni Nanay sa pagtatapos nito sa January 13, 2017. Ang magandang kuwento ang naisip na rason nina Katrina Halili at Yasmien Kurdi kung bakit tinatangkilik ang show nila.

Nagbiro si Katrina na, “’Pag may touch ng Katrina, nagtatagal ang show.”

Nag-agree kami dahil ang Marimar ay umabot naman ng nine months at ang Destiny Rose ay matagal ding umere. Kung susuwertihin, baka may panibago pang extension ang Sa Piling ni Nanay.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kontrabida ang roles ni Katrina sa mga nabanggit na show, ibig sabihin, gusto talaga siya ng viewers sa ganitong role. Sumang-ayon siya nang kami naman ang nagbiro na parang wala na siyang chance na maging bida at sinabing hindi na rin niya inaambisyon.

Ang importante sa kanya ay may show siya at maganda ang material dahil may anak siyang binubuhay.

Laging maigting ang mga eksena sa Sa Piling ni Nanay, parang laging may ganap at ilang beses nang nakulong at nagka-fight scenes sina Katrina at Yasmien. Dahil nga puro away ang mga eksena, hindi maiwasang mapagod, uminit ang ulo, at magkapikunan ang cast.

Nangyari ito kina Katrina at Yasmien at umabot pa nga sa paghagis ni Katrina ng make-up mirror niya na ikinabasag nito.

“May eksenang totoong nagkasakitan kami ni Yas and that day, pareho siguro kaming wala sa mood. Nag-hug naman kami after the scene, kaya lang, pagdating sa tent, nagkuwento pa si Yas. Pumitik ako at napaiyak. Lumapit siya at nag-sorry, nakulitan ako dahil lapit nang lapit. Kahit itinulak ko na, lapit pa rin nang lapit. Sa gigil ko, ibinato ko ang salamin at nabasag. Si Yas naman ang umiyak.

“May mga eksena pa akong kukunan, kaya ‘di ko siya nilapitan dahil maiiyak ako at mamamaga ang mga mata ko. Pagbalik ko ng tent, tiningnan ko siya, akala niya aanuhin ko siya. Sinabi ko sa kanya na gusto kong mag-sorry, hindi ko lang magawa dahil may scene pa ako. Naayos naman kami nang araw na ‘yun,” kuwento ni Katrina.

Dahil sa nangyari, may rehearsal na muna silang dalawa bago kunan ni Direk Gil Tejada ang fight scene nila. Dati, blocking lang ang itinuturo sa kanila, hindi sila nagre-rehearse, pero ngayon, kailangan na nilang mag-ensayo at nag-uusap din kung ano ang gagawin bago kunan ang fight scene.

Ngayon, bati na uli sina Katrina at Yasmien at nangakong hindi na mauulit ang nangyari at hindi na paiiralin ang emosyon. Saka, walang rason para magtanim sila ng sama ng loob dahil mataas ang rating ng Sa Piling Ni Nanay at maganda ang feedback ng viewers sa show.