INAASAHAN na mas maraming mga Cambodian ang bibisita sa Pilipinas sa mga taong darating kasunod ng pagpirma ng kasunduang pangturismo ng dalawang bansa.

Lumagda ng kasunduan ang Department of Tourism ng Pilipinas at ang Ministry of Tourism ng Kingdom of Cambodia na magpapasimula ng mga programang bubuhay at magpapalakas sa ugnayang pangturismo ng dalawang bansa.

Ito ay pinirmahan nina Tourism Secretaries Wanda Teo at Fr. Thong Khon.

Ang kasunduan, na tinawag na Implementing Program of Tourism Cooperation 2016 to 2020, ay isa sa apat na kontratang pinirmahan nang dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa Cambodia.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa ilalim ng kasunduan, bibigyan ng prayoridad ang air accessibility at route development.

Ipinapakita ng kasalukuyang datos mula sa DoT na nakapagtala ang Cambodia ng 2,381 tourist arrivals sa Pilipinas simula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Samantala, 70, 680 Pilipino ang bumisita sa Cambodia sa unang kalahati ng taon. Noong nakaraang taon, 84,677 ang mga Pilipinong dumalaw sa Cambodia.

“Now is the best time to involve our Cambodian friends in our Tourism programs and initiatives. We would be happy to help them further as they promised to do the same for us,” ani Teo.

Inihayag din niya na makikipag-ugnayan sila sa mga airline company at civil aviation authorities para mailunsad ang mga direktang flight mula Manila patungong Phnom Penh at Siem Reap.

Nakaatas din sa kasunduan ang pagbubuo ng joint working group na magsisilbing platform sa dalawang bansa upang iprisinta ang kanilang mga programang pangturismo at mga karanasan sa pamamahala ng tourism industry, pagpapatupad ng mga batas at regulasyong pangturismo, at pangangalaga ng mga cultural heritage site.

Sinabi ni Teo na magpupulong ang joint working group sa Siem Reap sa Hunyo 2017 at may magaganap ding pulong sa Pilipinas sa huling bahagi ng 2017.

Pagbubutihin din ang familiarization tours at exchange programs para sa mga tourism at hospitality student at propesyunal upang mapagtibay at mapalakas ang kamalayan ng mga tao sa tourism destinations at products ng dalawang bansa. (PNA)