Disyembre 16, 2006 nang manguna sa Billboard Hot 100 chart ang awitin ni Beyoncé na may titulong “Irreplaceable”, at naging ikaapat na solo chart-topper ng Destiny’s Child member.
Naglalaman ng pangkalahatang mensahe sa kakayahan ng mga babae, ang awitin ay tungkol sa pagkabigo sa pag-ibig ng babae dahil sa pagtataksil ng kanyang nobyo. Tumatak nang husto ang intro ng awitin na may lyrics na “To the left, to the left…”
Tumulong si Beyoncé sa pagsulat at pagprodyus ng nasabing awitin.
Hinigitan ng “Irreplaceable” ang “I Wanna Love You” ni Akon (featuring Snoop Dogg) sa No. 1 spot at nanatili sa loob ng 10 linggo, hanggang sa mahigitan ito ng Canadian star na si Nelly Furtado sa awiting “Say It Right” noong Pebrero 24, 2007.