UNITED NATIONS (AP) – Nagbabala ang deputy chief ng UN na tumataas ang “nightmare scenario” ng hacking attack sa computer system ng nuclear power plant na magdudulot ng hindi makontrol na pagpakawala ng radiation.
Sinabi ni Deputy Secretary-General Jan Eliasson sa pagpupulong ng Security Council noong Huwebes na ang extremists at “vicious non-state groups” ay aktibong naghahanap ng weapons of mass destruction at ang mga ito ay nagiging “increasingly accessible.”
Ayon kay Eliasson, lehitimo ang mga pangamba sa seguridad ng mga nakaimbak na radioactive material na maaaring gawing nuclear weapons at hindi sakop ng international regulation.
Sinabi rin niya na “scientific advances have lowered barriers to the production of biological weapons.”