Kusang tumalima ang dating gobernador at ngayo’y si Pangasinan Rep. Amado Espino sa 90-day preventive suspension na ipinataw sa kanya kaugnay ng kinakaharap niyang kasong graft sa Sandiganbayan dahil sa pagkakadawit umano sa illegal black sand mining sa Lingayen Gulf noong 2011.

Ito ang nakasaad sa manifestation na isinumite kahapon ni Espino sa 6th Division ng anti-graft court.

Kahapon, Disyembre 15, 2016, nagsimula ang suspensiyon kay Espino, na magtatapos sa Marso 15, 2017.

Nilinaw naman ng kongresista na ang boluntaryong pagsailalim niya sa suspensiyon ay hindi nangangahulugang inaamin niya ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Una nang naghain si Espino ng motion for reconsideration sa Sandiganbayan kaugnay ng kaso.

Nag-ugat ang kaso laban kay Espino nang payagan umano niya ang dalawang mining firm na magsagawa ng black sand mining operations sa Lingayen Gulf noong 2011. (Rommel P. Tabbad)