CARRANGLAN, Nueva Ecija - Huling-huli sa akto ng mga nagpapatrulyang barangay tanod ang pagbatak ng ilegal na droga ng driver at helper ng isang Forward Reefer van sa Sitio Lomboy, Barangay Puncan sa bayang ito, Miyerkules ng hapon.

Sa ulat kay Chief Supt. Groilan Tolentino, hepe ng Cuyapo Police, ipinarada muna nina Lodring Oco y Angulo, 43, driver, taga-Bgy. Poblacion Ibaba, Angono, Rizal; at Kaypee Canceran y Cabautan, 27, helper, ng Bgy. San Andres, Cainta, Rizal ang truck para bumatak ng droga habang nakaparada sa kanang bahagi ng kalsada.

Ayon kay PO3 Ronald Buncad, naaktuhan ng mga tanod ang pot session nina Oco at Canceran at nakuhanan sila ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang bukas na plastic sachet at drug paraphernalia. (Light A. Nolasco)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!