ORLANDO, Fla. (AP) – Isang grupo ng mga manggagawa sa information technology na sinibak ng Walt Disney World ang nagreklamong biktima sila ng “national origin discrimination” dahil tinanggal sila at pinalitan ng contractors mula India.
Kinasuhan ng mga dating IT worker ang Walt Disney Parks and Resorts noong Lunes sa Orlando federal court.
Nakasaad sa reklamo na 250 IT worker sa Florida ang sinabihan na kailangan nilang turuan ang mga papalit sa kanila bago sila sinibak noong 2014. Ayon dito, ang mga kapalit na manggagawa ay may dugong Indian, at dinala sa United States o nagtatrabaho sa labas ng bansa.