KUMPIRMADONG sasabak si veteran internationalist Dottie Ardina sa US$80,000 ICTSI Philippine Ladies Masters sa Dec. 21-24 sa Alabang Country Club.

Mapapalaban si Ardina, nakakuha ng ‘conditional status’ para sa 2017 LPGA Tour matapos makisosyo sa ika-21 sa Qualifying School, laban sa matitikas na player sa rehiyon, kabilang si Lee Jeong-hwa ng Korea, kampeon sa torneo na ginana sa Splendido at Southwoods.

Ang 54-hole championship ay huling bahagi ng Taiwan LPGA Tour kung saan nakaabang si Lee na makahabol sa money list.

Inaasahan ding magbibigay ng matinding laban si TLPGA Order of Merit leader Lin Tzu-chi sa torneo na may nakalaang US$17,000 (P840,000) champion prize.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakalinya naman na magbibigay ng karangal sa Pilipinas sina Cyna Rodriguez, Chihiro Ikeda, Jayvie Agojo, Sarah Ababa at Princess Superal, kampeon sa dalawang leg ng Tour.

May kabuuang 93 ang kalahok, kabilang ang 53 regular player ng Taiwan LPGA Tour at 11 amateur.

Pangungunahan nina Wannasiri Sirisampant, Saruttaya Ngam-usawan at Amolkan Phalajivin, pawang kampeon sa LPGT, ang delegasyon ng Thailand na kinabibilangan din nina Saraporn Chamchoi, Walailak Satarak, Supakchaya Pattaranakrueang, Piyathida Ployumsri, Chatprapa Siriprakob, Chonticha Tonkaew at Kanpahnitnan Muangkhumsakul.

Hahataw din si Hwang Ye-nah, gayundin ang iba pang Korean top player na sina Jang So-young, Euna Koh at So Un Kim, habang target nina Ai Asano at Mayumi Chinzei na tanghaling kauna-unahang Japanese na nagwagi sa LPGT.