NEW YORK (AP) — Tinanggal ang comic book heroine na si Wonder Woman bilang honorary ambassador sa United Nations kasunod ng mga protesta mula sa loob at labas ng world organization na ang Amerikanang maputi, seksing manamit, at palaging nasasabak sa gulo ay hindi ang pinakamagandang ehemplo para sa kabataang babae.

Inihayag ni Rheal LeBlanc, pinuno ng press at external relations, noong Martes na ang appointment ni Wonder Woman bilang Honorary Ambassador for the Empowerment of Women and Girls ay magtatapos sa linggong ito.

Sinabi ng mga kritiko na ang appointment ay hindi naaakma sa panahon na ang mga tunay na babae ay nilalabanan ang sexual exploitation at pang-aabuso, at napakarami sa kanila ang mga tunay na bayani na maaaring maging mukha ng gender equality.

Hindi gaya ng goodwill ambassadors tulad nina Nicole Kidman at Anne Hathaway, ang honorary ambassadors ng UN ay fictional characters. Dati nang kinuha ng UN si Winnie the Pooh bilang honorary Ambassador of Friendship noong 1998 at si Tinker Bell bilang honorary Ambassador of Green noong 2009.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture