LOS ANGELES (AP) — Isa nang ganap na US citizen si Brazilian UFC fighter Cris "Cyborg" Justino.

Nitong Martes (Miyerkulessa Manila), nanumpa ang 31-anyos mula sa Curitiba, Brazil sa ginanap na ‘naturalization ceremony’ sa Los Angeles Convention Center.

Ayon kay Justino, iginiit na gagamitin niya ang alias na Cyborg bilang middle name sa kanyang naturalization paper, ang pagdating sa Amerika ay nagpabago sa kanyang buhay.

"The first time I went to America, I had the opportunity to fight here and people really appreciate my work and appreciate my sport," pahayag ni Justino, habang nakapila kasama ang 2,300 citizenship applicant para sa seremonya.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

"It's an opportunity for me (to) give back for the American community what they give to me. I can vote. I can participate more," aniya.

Dumating sa Amerika si Justino noong 2008 at kaagad na nag-apply ng green card, ayon kay immigration lawyer Richard M. Wilner.

Hiniling niya na maging naturalize noong Disyembre 2015.

Tangan ang 17-1 karta mula nang sumabak sa MMA noong 2005, nagkampeon siya sa Strikeforce at Invicta promotions.

Nakakontrata siya ngayon sa UFC.