solenn-for-holiday-ham-0667-copy-copy

KUNG si Solenn Heussaff ang papipiliin, ise-celebrate niya ang kanyang bawat Pasko dito sa Pinas.

Paborito ni Solenn ang noche buena sa Pilipinas at bawat pasko, hanap niya talaga ang real holiday experience.

Pranses ang ama ni Solenn, habang ang kanyang ina naman ay isang Pinay. Nakailang Pasko na siya sa ibang bansa. “May snow pero wala masyadong lights. ‘Yun ang gusto ko rito sa Philippines.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

Mahilig tayong mag-decorate. Kahit hindi pa Christmas, three months before, Christmas na agad. You hear Christmas songs on the radio. Sa bawat kanto, may Christmas lights na. You really feel the joy and spirit.”

At dagdag pa sa saya niya tuwing pasko ay ang family bonding at exchange gift. Ang kanyang ina at si Erwan ang madalas magluto tuwing noche buena ayon kay Solenn.

“We always have cheese, caviar and ham. Pinaka-favorite ko ‘yung ham every Christmas,” dagdag niya.

Maraming nag-aakala na vegetarian si Solenn dahil sa fit at sexy nitong pangangatawan. Ngunit sa totoong buhay, si Solenn ay isang meat-lover.

Kaya perfect na si Solenn ang bagong endorser ng Holiday Ham by CDO Premium.

Pinagsasama nito ang dalawang favorite niya – and Pasko at ham. “I am happy to endorse a product I believe in. I love bacon, tocino and ham pero sobrang mapili ako sa mga brands. Gusto ko ‘yung real and authentic. I hate extenders,” ani Solenn.

Nang hingian siya ng tips sa pagpili ng perfect Christmas ham, ito kanyang payo :

“Look for the net marks sa actual ham na binibili ninyo, hindi lang sa packaging o sa mga ads. Only whole-meat hams can be smoked in ham nets and we know that whole-meat ham ang best choice.”