PHNOM PENH —Binigyan ng royal treatment ng Cambodia si Pangulong Rodrigo Dutere.

Nakatakda sanang magpahinga ang Hari ng Cambodia ngunit sa halip ay nagpasya siyang harapin ang nagbibisitang Pangulo ng Pilipinas upang bigyang-diin ang kahalagahan ng bilateral relations.

Malugod na tinanggap ni Cambodian King Norodom Sihamoni si Duterte nitong Miyerkules ng umaga sa Palasyo kung saan binigyan siya ng full military honors sa gitna ng bahagyang pag-ambon. Ipinagdiriwang ng mga Cambodian ang isang Buddhist holiday nang bumisita rito si Duterte kahapon.

“We are really grateful for His Royal Majesty for receiving our President, especially so that today is a Buddhist holiday here in Cambodia. The holiday is intended to honor the saints of their faith and the King is one of the saints of Cambodia, on account of which he normally is supposed to be in retreat,” sabi ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. sa media interview sa kabisera.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“But he took this is an exception to meet with our President whom he considers as a very important person and so we’re very grateful for that,” aniya.

Kasama ni Duterte ang ilang miyembro ng kanyang Gabinete at dalawang senador sa pagbisita niya sa Royal Palace sa sentro ng Phnom Penh. Ang Hari ng Cambodia ang nag-imbita kay Duterte para sa state visit.

Isinara ang mga daan patungo sa Royal Palace habang nagbibisita si Duterte. Nakalinya sa kalsada ang daan-daang estudyante na may hawak na bulaklak at naghiyawan nang dumating si Duterte at ang kanyang delegasyon. (Genalyn Kabiling)