Bawal nang dumaan sa EDSA ang mga bus na biyaheng probinsiya simula ngayong Huwebes, Disyembre 15, upang maiwasan ang pagsisikip pa ng trapiko ngayong holiday season.
Sa dalawang-pahinang memorandum circular ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), simula Lunes hanggang Biyernes, 6:00 ng umaga hanggang 10:00 umaga, ay bawal nang dumaan sa EDSA ang mga naturang bus at ito ay magtatagal hanggang Disyembre 31, 2016.
Maaari lamang dumaan sa nasabing kalsada ang mga provincial bus tuwing Sabado at Linggo.
Kaugnay nito, ayon sa MMDA, may itinalagang alternatibong ruta ang I-ACT para sa mga provincial bus. (Bella Gamotea)