HANDA ang Philippine Sports Commission (PSC) na ayudahan ang Palarong Pambansa para mapanatili ang tradisyon at pamana ng torneo na naging daan nang mga prominenteng atleta tulad nina Lydia De Vega-Mercado, Eric Buhain, Reynato Unso at Elma Muros-Posadas.

Sa nakalipas na mga taon, bigo ang organizer ng Palaro – ang Department of Education (DepEd) – na makatuklas nang de kalibreng atleta tulad nang mga nabaggit na world class champion.

“Palarong Pambansa is a grassroots sports program. Pero bakit wala nang panibagong nadebelop na mga world class athletes like Lydia, Eric (Buhain), Unso and Elma (Muros-Posadas) in the past editions. So we in the PSC, being part of the management of Palaro, will revisit what should be done to Palaro,” sabi ni Ramirez.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakatakda namang isagawa ang ika-60 edisyon ng Palarong Pambansa sa Region 6 o partikular sa San Jose de Buenavista sa Antique.

Isa sa pangunahing pagtutuunan ni Ramirez ang pagpapalalim sa pundasyon ng Palaro, kaakibat ang pagtuturo sa mga regional at provincial coaches ng mga makabagong programa at siyentipikong paghahanda sa mga atleta sa tulong ng mga kuwalipikado nitong mga empleyado sa Philippine Center for Sports Medicine (PCSM). At sa binuong Philippine Sports Institute. (Angie Oredo)