Pumayag ang Land Transportation Office (LTO) na bayaran ang P8-bilyon utang sa Stradcom Corporation, at tuluyan nang puputulin ang kaugnayan sa naging information technology (IT) service provider nito simula 1998.

Matapos ang ilang taong bangayan, sinabi ng LTO sa isang pahayag noong Martes na lumagda ito sa one-year phase out agreement sa Stradcom na nagpapahintulot sa ahensiya na lumipat sa bagong IT service provider na hahawak sa hardware, software, at data component requirements matapos ang isa o dalawang taon.

Binibigyan din ng kasunduan ang Stradcom ng pagkakataon na mai-turn over ang source code at database sa gobyerno at sa susunod na IT provider ng LTO.

Bilang bahagi ng kasunduan, pumayag ang Department of Transportation na bayaran ang P8 bilyon pagkakautang ng LTO sa Stradcom na nag-ugat sa mga kaso sa korte sa nakalipas na administrasyon. (Vanne Elaine P. Terrazola)

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>