SAN ANTONIO (AP) – Balik sa winning streak ang San Antonio Spurs nang pabagsakin ang Boston Celtics, 108-101, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) para sa ikalawang sunod na panalo.

Nagsalansan si Tony Parker ng 20 puntos, tampok ang 16 sa final period para sundan ang malaking panalo kontra sa Brooklyn Nets.

Nag-ambag si Kawhi Leonard ng 26 puntos, habang kumubra si Pau Gasol ng 17 puntos para sa ika-20 panalo ng Spurs sa 25 laro.

Nabalewala ang double-double -- 25 puntos at 10 rebound -- ni Jae Crowder, gayundin ang natipang 15 ni Al Horford.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

PISTONS 95, MAVS 85

Sa American Airlines Center, nakaiwas ang Detroit Pistons sa pagkasilat nang gapiin ang kulelat na Dallas Mavericks.

Matapos matalo sa Philadelphia – kulelat na koponan sa East Conference –matikas na naisalba ng Pistons ang bentahe para sa 79-69 kalamangan.

Nanguna sa Pistons si Jackson na may 20 puntos. Habang kumikig si Jon Leuer ng season-high 19 puntos.

Hataw si Harrison Barnes sa Dallas, kasosyo ang Sixers bilang NBA-worst record, sa natipang 19 puntos.

RAPTORS 123, SIXERS 114

Sa Wells Fargo Center, maagang naginit ang opensa nina Demar DeRozan at Kyle Lowry para sandigan ang Toronto laban sa Philadelphia.

Naitala ni DeRozan ang isa pang 30-plus point sa naiskor na 31puntos, habang nag-ambg si Lowry ng 20 puntos at pitong assist.

Ratsada rin sina Jonas Valanciunas na may 17 puntos at 10 rebound, at Terrence Ross at Cory Joseph na may tig-13 puntos.

CLIPPERS 113, MAGIC 108

Ginapi ng Los Angeles Clippers, sa pangunguna ni Austin Rivers na kumana ng pitong three-pointer para sa kabuuang 25 puntos, ang Orlando Magic.

Nahila ng Clippers ang winning streak sa tatlo at nakahirit si Blake Griffin ng 23 puntos.

Naitala ni DeAndre Jordan ang 22 puntos at 12 rebound, habang kumana si Chris Paul ng 16 puntos para sa Clippers.

JAZZ 109, THUNDER 89

Sa Salt Lake City, matikas na simula at pamatay ang panghuling hataw ng Utah Jazz para magapi ang Thunder

Humirit si Rodney Hood sa naiskor na 25 puntos mula sa 9-of-14 shooting, habang kumubra si Gordon Hayward ng 17 puntos para sa Utah.

Tumimbang din si Rudy Gobert sa naiskor na 12 puntos at 12 rebound para sa ika-16 na panalo ng Utah.